Hindi totoong sa PNP galing ang tantyang umabot sa kalahating milyon ang lumabas at nagpahayag ng suporta sa tambalang Marcos-Duterte rally noong Marso 13 sa Las Piñas, ayon kay PCol Jaime Santos, Chief of Police ng PNP Las Piñas.
Taliwas ito sa pahayag ng kampo ni Marcos na hindi bababa sa 500,000 ang bilang ng mga lumabas sa kanilang bahay, sumama sa caravan, at dumalo sa grand rally sa “The Tent,” na ayon pa sa kampo ni Marcos ay mula diumano sa tantya ng PNP.
Subalit mariing itinanggi ito ni PCol. Jaime Santos, Chief of Police ng PNP Las Piñas.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.