Ayon sa isang pahayag ni Gov. Danilo Suarez ng Quezon Province, kinumpirma diumano ni Chavit Singson, alkalde ng Narvacan, Ilocos Sur, na 90% o 73 sa 81 sa nakaupong gobernador sa bansa ay suportado si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na halalan ngayong Mayo 2022. Ang pahayag na ito ay inilathala sa Facebook page ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partido politikal ni Marcos.
“Yung sinabi ni Chavit (Singson) na almost 90 percent ng governors are already for Bongbong. Totoo yun. Right now we have a new President,” ang sabi ni Suarez.
As of April 17, walang sapat na batayan ang nasabing datos. Wala ring publikong pahayag o panayam na nagmula mismo kay Singson na kinukumpirma nito ang suporta ng 90% ng gobernador sa bansa kay Marcos Jr. Ang pinakamalapit na publikong pahayag ni Singson ay ang isang interview noong February 2022 kung saan isinaad ng alkalde na: “All the towns here will vote for BBM-Sara. In my estimate, more than 90 percent of the votes will be delivered to this tandem. All the officials here have united to support them…”
Basahin ang kompletong datos hinggil sa endorsements ng mga gobernador dito: tinyurl.com/GovEndorsements
Ayon naman sa huling pagtatala ng e-Boto, 52 na gobernador o katumbas ng 64% lamang ang nagsaad ng kanilang explicit na suporta kay Bongbong Marcos. Samantala, si Bise Presidente Leni Robredo naman ay mayroong 13. Isa naman ang nagpahayag ng suporta kay Pacquiao. As of April 17 din, ang natitirang 15 ay hindi pa naglalabas ng kanilang public endorsements.
Read the full story on #PakCheck of e-Boto.