Noong January 8 ay kumalat ang isang manipulated o pinekeng video ni Vice President Leni Robredo kung saan may mga bahagi na pinatungan ng isang audio clip ang boses nya. Ayon sa ipinatong na audio, kailangan nang mag-imbak ng pagkain bilang paghahanda sa napipintong pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Duterte.
Ito ang caption ng Facebook post na naglalaman ng pinekeng video:
“MaMa LEni Nyo Nagkakalat na ng FAKENEWS. Ito ba ang gusto nyo Leader mukhang DESPERADA na ah? #thevoice”
Ang video na ito ay kinuha mula sa isang Facebook live ni Robredo noon pang Nov. 15, 2020, matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses. Sa nasabing orihinal na video, walang nabanggit si Robredo tungkol sa maaaring pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng martial law sa Pilipinas.
Read the full story on ABS-CBN News.