Hindi inendorso ni Miss Universe Philippines 2010 Venus Raj si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., taliwas sa ipinapalabas ng isang kumakalat na pinekeng video sa Tiktok at Facebook.
Sa nasabing pinekeng video na unang pinost sa Tiktok noong Dec. 29, 2021, mapapanood ang video ni Raj na nilapatan ng caption o teksto na “tuloy ang pagbabago, no to yellow tard, BBM SARAH.”
Pero kung papakinggan ang mismong sinasabi ni Raj ay wala naman siyang inendorso na kahit sinong kandidato. Tanging ang tinalakay lamang ni Raj ay ang mga “values” na kailangang kilatisin ng mga botante sa pagpili nila ng susunod na mamumuno sa bansa
Read the full story on ABS-CBN News.