Misleading ang kumakalat na larawan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Christopher “Bong” Go at Cebu Gov. Gwen Garcia na tila nagbibigay ng trademark hand sign ng Aksyon Demokratiko at ni presidential candidate Manila mayor Isko Moreno Domagoso.
Bagama’t totoo ang larawan, ito ay luma at kuha noon pang Marso 17, 2021 sa isang dinner meeting na dinaluhan nina Duterte, Go at Garcia sa Cebu.
Magkaparehas ang hand sign ng One Cebu political party ni Garcia, at ng Aksyon Demokratiko kung saan kabilang si Domagoso.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.