Walang ibinalita ang ABS-CBN sa anumang news platform nito na magpapabalik-balik sakay ng eroplano araw-araw si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio mula Davao papuntang Maynila kapag naupo na siya sa puwesto.
Taliwas ito sa paratang ng isang video ng YouTube channel na “Streetwise with Takeru Miyamoto” noong Hunyo 19.
Ayon sa naturang video na may pamagat na “ABS CBN, FAKE NEWS AGAD, VP SARA ARAW ARAW SASAKAY NG EROPLANO, DAVAO TO MANILA,” sinasadya diumano ng ABS-CBN na mag-mislead o manloko sa Facebook post nito noong Hunyo 19 tungkol sa pahayag ni Duterte-Carpio na patuloy siyang maninirahan sa Davao kapag naupo na siya sa pwesto.
Pero kung babasahin ang naturang Facebook post ng ABS-CBN News at artikulong kalakip nito, ang tanging sinabi dito ay patuloy na maninirahan si Duterte-Carpio sa Davao. Walang anumang nabanggit tungkol sa pagsakay niya ng eroplano araw-araw.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.