ACCURATE

Sa June 21 episode ng ‘Jeopardy!’ na isang tanyag na US game show, isang contestant ang binigyan ng clue na “In 1986, this Philippine president and his pals stuffed $7.7 million into suitcases and fled to Hawaii, where he died 3 years later.” Nakuha ng contestant ang tamang sagot na “Who is Marcos?”

Ill-gotten wealth ng mga Marcos, featured sa game show
Sa isang episode ng American game show na “Jeopardy!”, isang contestant ng show ang binigyan ng clue tungkol sa pag alis ng Pamilya Marcos noong 1986 papuntang Hawaii. Ibinahagi ng creative consultant ng Jeopardy! sa kaniyang social media account na hindi ito ang unang beses na na-feature ang mga Marcos sa show. “I am a fan of Jeopardy. In one episode, the answer was Imelda but the exact question escapes me.” 

Noong 1986, matapos ang EDSA Revolution, si Ferdinand Marcos, Sr. at ang kaniyang entourage ay nagbulsa ng $7.7 milyon na pera at mahahalagang bagay sa kanilang maleta bago ito tumakas sa Pilipinas papuntang Hawaii, kung saan ito namatay pagkalipas ng tatlong taon. 

Exile sa Hawaii
Ayon sa isang Hawaiian News Outlet, matapos ang kanyang 21-taong pamumuno ay bumagsak ang rehimeng Marcos noong February 25,1986. Binigyan ng offer ng US ang pamilyang Marcos na umalis sa bansa kapalit ng garantiya ng asylum sa Hawaii.Ang pamilyang Marcos ay in-airlift patungong Hickam Air Force Base sa Hawaii noong February 26. Naiulat na noong tumakas ang mga Marcos, natuklasan ng US customs ang 24 maleta na naglalaman ng ginto, alahas, diamonds, bags, at bilyon-bilyong dolyar. Ayon sa Los Angeles Times, nagkahalaga ang maleta ni Marcos ng ‘di bababa sa $7.7 milyon.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.