Noong 2021, kumalat ang balita hinggil sa panawagan ni VP Leni Robredo patungkol sa proposal nito sa pagsususpinde ng excise tax Ito ay accurate. Sa isang pahayag, 2018 pa nito nais suspindihin ang oil excise tax kasabay ng pagrereview sa mga dagdag na buwis na ipapataw ng TRAIN Law.
‘Reverberating effect’ ng oil excise tax
Noong 2018, sinabi ni outgoing VP Leni na magkakaroon ng “reverberating effect” kung saan lubos na maaapektuhan ng TRAIN Law ang pamumuhay ng mga tao lalo na kapag hindi tatanggalin ng gobyerno ang excise tax sa diesel at kerosene. Nais niyang ipasuspinde ang tax ngunit ito ay hindi umano binigayang pansin ng administrasyon ito sa kadahilanang bahagi siya ng oposisyon. Ibinalita ng PhilStar na inihinayag niya sa isang press conference ang panawagan ng mga Liberal Party lawmakers na suspindihin ang probisyon ng TRAIN Law hinggil sa oil excise tax.
Ayon sa balita ng GMA News, iginiit ni outgoing Robredo na kailangang suspendehin ang ang pagpapatupad ng oil excise tax upang magbigay ng tulong sa mga sektor na maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene, kasabay ng pagbibigay ng fuel subsidy at mga iba pang mga aid program.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.