Isinaad sa official Facebook account ni direktor Darryl Yap na sila ni Ai-Ai Delas Alas ay maaari pa ring makaapak at bumalik sa Quezon City kahit sila ay idineklarang “Persona non-grata”. Ang claim na ito ay makatotohanan dahil ayon sa isang ONE News interview, binanggit ni Councilor Ivy Lagman (ang nag-file ng resolusyon) na maaari pa ring pumasok sa QC si Yap at Delas Alas dahil isa lamang itong resolution at hindi ordinance.
“Locally speaking hindi natin talaga siya mae-enforce [ang Persona non-grata] dito sa atin pag sa city mismo at kapag local yung ginawan mo. This is just symbolic lang ba ng city council na pagsabi na ayaw namin sa ginawa niyo so we’re declaring you officially na hindi kayo welcome sa Quezon City.” Isinaad na maaari pa rin silang pumunta sa Quezon City dahil resolution lamang ito at walang kaakibat na penalty.
Ang kaso nina Ai-Ai delas Alas at Darryl Yap
Si Ai-Ai delas Alas at Darryl Yap ay idineklarang Persona non-grata ng Quezon City Council noong June 8. Ito ay dahil sa isang viral video na gawa ni Yap kung saan pinagbidahan ni delas Alas ang isang parody video na nagpakita ng pangalan nina ‘BBM’ at ‘Sara’ sa harap ng seal ng Quezon City. Si delas Alas ay gumanap bilang si “Ligaya Delmonte”, isang impersonation ni QC Mayor Joy Belmonte. Ang video rin na ito ay ginamit sa pangangampanya ng kalaban ni Belmote sa pagtakbo bilang alkalde na si Mike Defensor.
Ang naglathala ng resolution na ito ay si City Councilor Ivy Lagman kung saan isinulat niya na: “The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and [cast] dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal…The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for personal and selfish interests.”
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.