Sa 54 na bills, 23 ang na-enact noong 15th Congress mula 2010 hanggang 2013. 31 naman ang naapprove noong 16th Congress mula 2013 hanggang 2016. Sa 15th Congress, pito ang naging batas. Kasama sa mga naipasa bilang Republic Acts ay ang mga sumusunod: Anti-Drunk and Drugged Driving Act, the Cybercrime Prevention Act, the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, at National Health Insurance Act.
Habang ito ay totoo, isa lamang ang naging batas noong 16th Congress, at ito ang RA 10632 o ang batas sa pagpaliban ng Sangguniang Kabataan Elections noong 2013. Karamihan din sa mga naipasa na batas ay may lokal na saklaw na tumutugon sa pagtatatag ng pagiging lungsod ng isang bayan, paghahati-hati ng mga distrito, pagdedeklara ng mga lokal na holiday, at pagpapalit ng pangalan ng mga kalsada sa mga makasaysayang personalidad.
Read the full story on UP sa Halalan 2022.