Sa isang Facebook post ni Kiko Barzaga, isang city councilor ng Dasmarinas, Cavite, ibinandera nito ang isang quote na tila nagmula kay Presidential candidate Leni Robredo. Ngunit kung susuriin, wala itong katotohanan dahil nanggaling ito sa isang Reddit comment na nagsasaad na: “Barzagas are fucking traitors whole family of idiots who supports dynasties of murderers.” – comment on Reddit.com by u/whydobearsbark (Leni Robredo Supporter)
Ang comment na ito ay taken out of context at hindi ang buong comment ng Reddit user. Ito ay galing sa isang Reddit post tungkol kay Barzaga kung saan na-screen shot ang kaniyang FB post tungkol sa kaniyang pagsuporta kay Bongbong Marcos.[1] Ang buong comment ni user u/whydobearsbark tungkol dito noong February 27 ay:
Barzagas are fucking traitors then. Whole family of idiots who supports dynaties of murderers. While their platforms are empty, so as their brains as pointed out by Walden Bello, they are idiots. This really suits the narrative that Cavitenos are traitors. C’mon screencap me, kid. All BBM DDS are traitors anyway. Win or lose, you’ll always be traitors on every facet of life.
April 12 naman ay ipinost ni Kiko Barzaga ang isang parte lamang ng comment na ito. Sa ilalim ng quote, mayroong malabong text na nagsasaad na comment ito ni u/whydobearsbark ngunit ang pangalan at larawan ni Robredo ang naka-highlight sa post. Sa isang banda, walang makikitang kongkretong pagsasaad na Leni Robredo supporter ang Reddit user sa kaniyang account. Ngunit madaling makita na siya ay hindi supporter ni Bongbong Marcos at ang kasalukuyang administrasyong Duterte.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.