FALSE

Walang sinabi si Vice President Leni Robredo na bubuo siya ng alyansa kasama ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army na tatawagin nilang “Angat Buhay Alliance.” Hindi rin totoong magtatatag ang alyansang ito ng isa umanong “New Government.”

Taliwas ito sa ipinakakalat ng isang Twitter account na “Angat Buhay New Government” na may handle na @NewGovOrgABF.

Hindi “Angat Buhay Alliance” kundi “Angat Buhay NGO” ang inanunsyo ni Robredo na kanilang itatayo upang maipagpatuloy ang bolunterismong nabuo ng mga taga-suporta niya noong kampanya.

Kung susuriin ang imahe na may pinekeng pahayag ni Robredo o quote card, mapapansing hinango lamang ang disenyo nito mula sa mga tunay na quote cards na inilalabas ng kampo ni Robredo. Pinagtagpi-tagpi ang mga bahagi ng imahe mula sa iba’t-ibang tunay na art cards na naka-post sa opisyal na “VP Leni Robredo” Facebook page.

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com