Hindi totoong naging boluntaryo ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) noong termino ni Pangulong Corazon Aquino.
Taliwas ito sa video na inupload ni “KAPATID AVINIDZ” sa YouTube noong Mayo 14.
Sa video na may titulong “Oh! Kabataan alam mo ba ito? Kasaysayang itinago ng mga Pinklawan!”, inisa-isa ang mga umano’y malalaking proyekto ni Aquino. Kabilang sa mga ito ang pagiging boluntaryo diumano ng ROTC.
Maririning ang isang voice over o pagsasalaysay na: “Narito ang malalaking proyekto ni dating pangulong Maria Corazon Cojuangco Aquino… Number 6, ginawang voluntary ang ROTC.”
Bagama’t may naipasang batas tungkol sa ROTC noong panahon ni Aquino, hindi ito para gawing boluntaryo ang ROTC.
Batay sa Republic Act 7077 o “Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act” na naipasa noong 1991, mandatory ang military training para sa mga estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.