Hindi totoong may “naisiwalat” ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez ukol sa plano umano nilang mandaya sa darating na halalan.
Ang paratang laban kay Gutierrez ay makikita sa isang YouTube post ng Whistle-Blower PH noong Pebrero 20.
Ayon sa naturang video, nadulas umano si Gutierrez sa interview sa kaniya sa programang “Sa Totoo Lang” ng One PH noong Pebrero 18 sa pagsabing may “surprise” na mangyayari sa dulo ng bilangan ng mga boto sa Halalan 2022. Ito raw ang pruwebang may planong mandaya sa Mayo 9 ang kampo ni Robredo.
Ngunit kapag pinanood ang buong interview sa One PH, ang sinabi ni Gutierrez ay may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa resulta ng mga survey. Aniya, ang resulta ng mga survey ay hindi static at maaari pang magbago.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.