Una, walang dayaan na nangyari at Korte Suprema na mismo ang nagbasura sa electoral protest na isinampa ni Bongbong simula 2016 hanggang 2021. Sa katunayan, tumaas pa ng ilang libo ang boto kay VP Leni sa isinagawang poll protest recount.
Pangalawa, kahit ang presidente ng Pulse Asia ay sinabing snapshots lamang ng voter’s preference ang isang survey sa panahong isinagawa ito at hindi nito masasabi ang magiging resulta ng eleksyon.
Read the full story on UP sa Halalan.