Misleading

Ayon sa isang facebook post, binabalewala diumano ni presidential candidate VP Leni Robredo ang mga pagsisikap ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagsasanay sa mga marino. Ito ay tinanggal sa konteksto mula sa orihinal na pahayag ni Robredo hinggil sa disconnect ng curriculum at industry sa bansa.

Dagdag na pahayag ng tinutukoy na post ang paninira ni Robredo sa mahabang laban ng mga opisyal ng kanilang industriya upang mapabuti ang sistema nito.

“Nakita nyo ba ang kaibahan noon at sa ngayon? Naalis na po ang mga colorum na mga training centers at may monitoring ang MARINA bawat classroom ng mga training centers. Huwag nyong tukuyin ang lumang sistema. The industry is far from perfect but we are on the right track becoming a maritime superpower.”

Walang bahagi sa statement ni Robredo sa COMELEC Presidential Debate na dini-discredit nito ang efforts ng MARINA, ito lamang ay isa sa maraming sitwasyon na binigay niya kung saan malaki ang disconnect sa pagitan ng curriculum ng edukasyon at employment sa mga industriya sa bansa.

Ito ay bahagi lamang ng sagot ni Robredo sa tanong na “Ano ang inyong gagawin para magkaroon ng sapat na trabaho para sa lahat lalo na para sa nakapagtapos ng pag-aaral?”

Ayon kay Robredo, kailangan nang magdeklara ng ‘education crisis’ ang bansa upang matugunan ang pangangailangan para sa de-kalidad na edukasyon, pati na rin ang pagdagdag ng budget allocation para sa edukasyon mula 3% patungong 6%.

“Malaki po ‘yung disconnect ng curriculum natin sa industry. Example ko na lang po dito ‘yung BPO, andaming trabahong available pero walang nagku-qualify. ‘Yung maritime, grabe pa ‘yung opportunity dito, pero ‘yung skills kulang.”

Read the full story on e-Boto.

Related Fact Checks:

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.