Kahit malinaw na ipinagbabawal ng Konstitusyon ang mga political dynasty, wala namang enabling law kaya namamayagpag pa rin ang mga magkakamag-anak sa pulitika. Ayon sa mga eksperto, hindi sila nakabubuti para sa bayan. 

Paliwanag ni Julio Teehankee, isang political science professor mula sa De La Salle University, nakikinabang ang mga political dynasty sa tinatawag na “incumbency advantage” kaya natatanggalan ng pagkakataon na makapasok sa public service ang mga ordinaryong mamamayan. Maaari nila itong magawa sa pamamagitan ng brand making, patronage politics, at clientelist relationship. 

Dahil din sa political dynasties, maaari umanong humina ang prinsipyo ng check and balance at accountability sa gobyerno na pwede ring magresulta sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga magkakapamilyang nasa pwesto.

“In theory, yung tatlong branches ng government, executive, legislative at judicial ay dapat na merong system of checks and balances. Kaya lang, kapag dinastiya ang namamayagpag sa executive, tapos yung mga taga-executive, yung kamag-anak nila, taga-legislature,” paliwanag ni Danilo Arao, convenor ng election watchdog na Kontra Daya. 

Batay sa pag-aaral nina Ludigil Garces, Karl Jandoc, at Mary Grace Lu noong 2021, lalong naghihirap ang mga lugar kung saan talamak ang political dynasties. Kahit daw kasi malaki ang ginagastos ng isang lokal na gobyerno para sa ekonomiya nito, maliit o mabagal pa rin ang mangyayaring pag-asenso dahil humahantong sa korapsyon ang kakulangan sa check and balance. 

“What we do find is that when the governor, mayor, and congressman is part of the same family, the higher share of economic expenditure leads to lower economic development, implying that the lack of check and balance leads to corruption and unproductive investments,” saad sa pag-aaral.

Sa bagong pag-aaral nina Mendoza, Jurel Yap, Gabrielle Ann Mendoza, Leonardo Jaminola III, at Erica Celine Yu noong 2022, nakita nilang ang mga political dynasty ay nagpapalala ng kahirapan sa “resource-rich non-Luzon provinces” at hindi sa Luzon kung saan mayroong “competitive business environment.” 

Basahin ang buong artikulo sa ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com