FALSE

Hindi totoo ang kumakalat na impormasyon tungkol sa diumano’y pakikipagpulong ng grupo ni Vice President Leni Robredo sa mga opisyal ng Facebook para suspendihin ang mga account ng mga tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang nasabing Facebook post ay may caption na “May kumakalat na screenshot KOKONTROLIN NG PINKLAWAN ang FB at YT?! HOW TRUE??? Akala ko ba advocate si Leni Boldero ng free speech? Bakit may ganito? #LENITUNAYNADIKTADOR pala ang totoo?!”

Sa kanilang pahayag na ipinadala sa ABS-CBN News, itinanggi naman ng pamunuan ng parent company ng Facebook na Meta ang nasabing akusasyon. 

“No one from Meta has recently met with the Vice President or her team, or made any agreement to remove political content from our platforms,” ayon sa text message ng spokesperson ng Meta na ipinadala sa ABS-CBN News. 

Dagdag pa nila, hindi sila basta-basta nagse-censor o nanghaharang ng mga “peaceful political speech” sa Facebook.

Read the full story on ABS-CBN News.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com