NO BASIS

Binatikos ng isang kolumnista na si Rigoberto Tiglao ang Facebook Philippines at Meta, ang kumpanyang may-ari sa Facebook, sa kadahilanang “kontrolado” raw ito ng mga fact-checker. Ito ay matapos lumabag si Tiglao sa istriktong community standards ng Facebook laban sa fake news. Walang katotohanan at walang anumang basehan labas sa sariling interpretasyon ang pahayag ni Tiglao. Ilang beses na ring napatunayang nagpakalat ng maling impormasyon at fake news ang naturang kolumnista.

Lumabag si Tiglao sa community standards ng Facebook hinggil sa fake news, kaya ito napatawan ng parusa. Marami itong inilathalang opinion articles na nagkakalat ng maling impormasyon. Kabilang na rito ang kanyang pahayag na ‘hoax’ di umano ang Jabidah Massacre at Palimbang Massacre, na iniwan ‘di umano ni dating DFA Secretary del Rosario ang dating presidetial bid ni outgoing Bise Presidente Leni Robredo, at na hindi daw naangatan ng bilang ng google searches ni outgoing VP Leni Robredo si Bongbong Marcos.

Walang ebidensya
Matapos i-restrict ng Facebook ang isang post na mula sa kanyang article sa Manila Times na naglalaman ng samu’t saring maling impormasyon, iginiit ng kolumnista na hindi nito nilabag ang community standards ng Facebook. Sa article na ito, inudyok ni Tiglao na “mamundok,” o sumali sa New People’s Army (NPA), ang mga kritiko ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Mahigpit namang ipinatupad ng Facebook ang standards nito laban sa violence and incitement

Nang arestuhin ang kanyang pahayag, ito ang sentimyento ng kolumnista: “I think it is obvious enough that FB has been controlled both by the Reds and the Finks, although they of course are careful not to make it obvious.” Labas sa personal na interpretasyon ng kolumnista, wala itong naibigay na pruweba upang pagtibayin ang kanyang pahayag, isa sa mga dahilan kung bakit ito ay ilang beses nang napatawan ng parusa sa Facebook.

Fact-checkers at Facebook vs. Fake News
Ang Meta ay katuwang ng independent fact-checkers upang labanan ang laganap na pagkalat ng fake news, misinformation, at disnformation sa platform. Ayon sa website nito, ka-partner nila ang third-party fact-checkers upang ma-identify, review, at rate ang misinformation sa Facebook

Para masiguro nito ang kredibilidad ng kaniyang partners, pinipili ng Meta ang mga fact-checking organizations na certified ng International Fact-Checking Network, o IFCN. Tinitiyak ng Meta na sumusunod ang mga partners nito sa IFCN Code of Principles. Kabilang sa mga prinsipyong ito ang pagiging non-partisan (o walang kinikilingan), transparency sa sources, pondo, organisasyon, at isang open ang honest na polisiya sa pag-correct ng maling impormasyong posibleng mailathala.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.