FALSE

Walang katotohanan ang pahayag ni Democratic Party of the Philippines standard bearer Dr. Jose Montemayor Jr. na ang pagbabakuna ay maaaring maging sanghi ng pagkahawa sa COVID-19.

Sa Comelec “Pilipinas Debates 2022: The Turning Point” nitong Sabado, tinanong si Montemayor kung ano ang kanyang gagawin upang matiyak na “sapat ang trabaho,” “matatag ang kabuhayan,” at “dekalidad o up to standard ang kasanayan” ng mga bagong graduate. 

Tugon ni Montemayor, mababa ang morale ng mga trabahador dahil sa lagi silang hinahanapan ng vaccination card.

“Palaging hina-harass ninyo ang 70 million na Pilipino palagi ninyong hinahanapan n‘yan, when in fact, ang mismong vaccination will expose you to infection,” sabi niya. 

Subalit, taliwas ang pahayag ni Montemayor sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa, kabilang na ang World Health Organization (WHO), Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos (CDC), at ng lokal na Department of Health (DOH), Food and Drug Administration at iba pang mga independent na eksperto sa bakuna at sa epidemiology.

Ayon sa CDC, nababawasan nang malaki ng mga bakuna ang panganib na mahawa ang isang tao sa sakit.

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

Related Fact Check


ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com