FALSE

Hindi totoong simbolo ng demonyo ang hand sign na ginawa nina Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang campaign rally sa Negros Occidental noong Marso 11.

Isang Facebook user ang nagbahagi ng larawan nina Robredo at Pangilinan mula sa rally, at tinawag niyang “devil’s horn” umano ang ginawa nilang hand signal.

Dagdag pa ng nag-post, ito raw ang bagong hand sign ng “Pinklawan.” Kasama sa kaniyang post ang larawan na nagpapakita ng evil spirit sign at satanic salute.

Pero, ang katotohanan ay ang hand sign na ginawa nina Robredo at Pangilinan ay nagpapakita ng “I love you” na madalas ginagamit para sa deaf and mute community. 

Ang “I love you” hand sign ay mula sa American Sign Language kung saan ang hinliliit, hintuturo at hinlalaki ay kumakatawan sa mga letrang I, L at Y na kinikilala bilang pinaikling bersyon ng “I love you.” 

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com