Hindi totoo ang isang YouTube post kung saan sinabi nitong inamin ng Comelec ang balak na pandaraya kay Ferdinand Marcos Jr. sa paparating na eleksyon.
Sinabi sa Marso 15 post ng YouTube channel Showbiz Chika-Doro na ang pagka-diskubre ng 5.2 milyon na depektibong balota ay may kaugnayan sa planong dayaan na ipatutupad umano ng isang sindikato sa Comelec na hindi pinangalanan.
Subalit sa video, walang mapapanood na pahayag mula sa Comelec na nagkukumpirma sa naturang balak na pandaraya.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.