Pinabulaanan ng singer na si Moira Dela Torre na binayaran siya ng aabot sa P5 milyon para kumanta sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo at katandem na si Senador Kiko Pangilinan noong nakaraang linggo.
Ginawa ni Dele Torre ang paglilinaw nang iparatang ng isang Facebook user na nasa P1 milyon hanggang P5 milyon ang alok na bayad para sa kada isang nagtanghal sa Zamboanga City rally nitong Marso 17.
“GG, 1 to 5 million per artist offer,” saad ng komento nang i-share ni Dela Torre ang poster para sa naturang event.
Tugon ng singer, “Hindi po kami bayad. Nag-volunteer lang din po kami.”
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.