Hindi kumpleto ang kumakalat na Tiktok video ng speech ni Sharon Cuneta sa Negros Occidental People’s Rally ng Robredo-Pangilinan team sa Bacolod City.
Sa video, makikitang sinabi ni Megastar na si presidential aspirant Leni Robredo ang magiging kauna-unahang presidente na paniniwalaan ng NPA at kaibigan ng Abu Sayyaf.
Ngunit kung panonoorin ang buong speech ni Cuneta sa ginanap na rally noong Marso 11, maririnig na sinabi muna nito na maraming mahilig magkalat ng fake news at kasama na nga rito ang paratang na si Robredo ay kakampi ng NPA.
“Maraming mahilig magkalat ng fake news. Wala na silang masira kay Ma’am Leni. Ang bago kakampi na daw ng NPA. Sabi ko that’s not true. Pero akalain mo kung totoo yun, aba’y siya magiging kauna-unahang presidente na paniniwalaan ng NPA. E ‘di pati Abu Sayyaf friends na natin. Wala nang terrorist.”
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.