Kumakalat online ang isang quote card kung saan binabati ni Queen Elizabeth II ng United Kingdom si 2022 presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang napipintong pagkapanalo — ang problema, hindi totoong sinabi niya ‘yan.
CLAIM: Nagsuot diumano ng pula ang longest-reigning British monarch sa kasaysayan para batiin ng “congratulations” si Bongbong, na nangunguna sa kasalukuyang partial and unofficial tally ng Comelec.
RATING: Ito’y false.
KATOTOHANAN:
Mga detalyeng dapat malaman
Lunes lang nang sabihin ng Buckingham Palace na hindi pupunta ang 96-year-old monarch sa ceremonial opening ng UK parliament sa unang pagkakataon sa mahigit 60 taon dahil sa “episodic mobility problems.”
Maliban diyan, wala pang naibalitang public appearance, talumpati o pahayag man lang ang reyna mula nang mangyari ang eleksyon sa Pilipinas noong ika-9 ng Mayo.
Importanteng konteksto
Kapansin-pansing nakalagay sa larawan ang “website” na horbpQuirer.net at HORBP Files. ‘Wag magulat kung hindi mo mabuksan ang website na ‘yan. Hindi kasi ‘yan totoo.
Ang origin ng naturang larawan ay nagmula sa House of Representa-thieves: Butasang Pambulsa (o HORBP for short) — isang Facebook group sa nagpo-post ng mga satirical memes na katuwaan lang ngunit hindi totoo.
Mga tinanggal sa reposts
Ni-repost ng page na “Solid BBM supporters” ang paskil ngayong Huwebes ng umaga. Ang problema, tinanggal na nito ang ilang “clues” na magsasabing biro lang ito at hindi totoo.
Read the full story on Philstar.com.