Totoo ang kumakalat na larawan ng isang lumang “invoice” mula sa sikat na tindahan ng alahas na Bulgari sa New York na nakapangalan kay dating First Lady Imelda Marcos at sa kanyang sekretarya na si Vilma Bautista.
Makikita sa nasabing “invoice” ang mga pinamiling alahas ni Marcos na nagkakahalaga ng USD$1.43 milyon noong Hulyo 20, 1978. Katumbas ito ng 10.53 milyong piso noong panahon na iyon, at mahigit 74 milyong piso naman sa ngayon, ayon sa exchange rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Kabilang sa mga pinamili nya ay isang bracelet na may mga emeralds at diyamante na nagkakahalaga ng USD$1.15 milyon (katumbas ng P8.46 milyon noong 1978 at mahigit P59.69 milyon ngayon), ear clips na may 18 karat na ginto at mga diyamante na nagkakahalaga naman ng USD$78,000 (katumbas ng P574,000 noong 1978 at mahigit P4.05 milyon ngayon), at iba pang mamahaling mga alahas.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.