Pakinggan ang panayam ni Christian Esguerra ng Facts First kina Regine Cabato, dating correspondent ng Washington Post, at Cristina Chi ng Philstar.com, hinggil sa kung paano lumaganap ang mga maling balita at impormasyon hinggil sa pag-aresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cabado, nagsa-skew ang social media algorithms tungo sa isang narrative na pinakalat ng sabay-sabay at malakihang quantities ng “bad quality information.”
Ayon naman kay Chi, iba-ibang mga porma ng coordinated and inauthentic behavior ang nakikita ng midya ngayon na naka-target sa iba’t ibang audience tulad ng mga sundalo ng AFP at ng mga overseas Filipino workers.
Sundan ang bahagi ng panayam sa official YouTube channel ni Christian Esguerra.