Mabisang paraan ang prebunking upang malabanan ang pagkalat ng fake news at disimpormasyon sa social media. Ayon kay Ipe Salvosa II ng UST Journalism Department at editor/fact-checker ng PressOne.PH, ito ang pag-anticipate sa mga news events kung saan pinipili ang mga issues bago pa mabiktima ng fake news ang mga social media users. Halimbawa ang paglabas ng mga educational infographics tungkol sa partikular na mga aspekto ng isyu tulad ng 2025 elections.

Iba-iba ang paraan ng prebunking, as long as backed up ng evidence at accessible ang content tulad ng pagsasalin sa Filipino, pagkakaroon ng vertical at short videos at iba pa, upang maihanda at mainoculate ang mga users mula sa mga darating na maling impormasyon.

Tingnan ang bahagi ng panayam ni Christian Esguerra sa kanyang official YouTube page.