Hindi totoo ang kumakalat na post sa social media na nagsasabing ang proclamation rally noong Pebrero 8 ng kampo ni presidential candidate Leni Robredo ang “biggest campaign rally in the history of Philippine politics.”
Sinasabi sa Facebook post na may kasamang drone shot ng proclamation rally, nasa 200,000 hanggang 400,000 ang dumalo batay sa ulat ng PNP Region 9 (PNP-R9). Sa report naman daw ng Associated Press (AP), dinaluhan ito ng 300,000 to 600,000. Ang larawan sa post ay may logo ng AP.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.