
Hindi totoong down ang e-wallet application na Asia United Bank (AUB) HelloMoney dahil sa “zero remittance week” na panawagan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakadetine si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang madugong drug war. Bilang suporta kay Duterte, layon ng “zero remittance week” na huwag magpadala ang mga OFW ng remittance mula Marso 28, araw ng kaarawan ni Duterte, hanggang Abril 4 upang ma-disrupt ang ekonomiya ng bansa.
Sa isang Facebook post, kinonekta ang isang pop up advisory ng AUB tungkol sa isinasagawa nitong system maintenance sa naturang panawagan. Nilapatan ang screenshot ng advisory ng tekstong “Natupad na talga ang ZERO REMITTANCE.”
Ini-upload ang nasabing post 8:42 ng gabi noong Marso 27, 2025 at nakapagtamo na ito sa ngayon, Marso 28, ng 11K likes at halos 5K shares.
Mababasa naman sa anunsyo ng AUB noong 11:53 ng umaga Marso 26 na mayroong emergency system maintenance ang kanilang application kaya hindi ito magamit.
Sundan ang full story sa ABS-CBN Fact Check.