
Pinutol ang isang ulat ng ABS-CBN News Channel (ANC) sa programang Market Edge para pagmukhaing ibinabalita diumano nito na ikinulong si First Lady Liza Marcos sa Los Angeles, United States.
Mapapanood sa nasabing putol na bidyo si ANC anchor Michelle Ong na sinasabing: “First Lady Liza-Araneta Marcos has been detained in Los Angeles in the US.” Nilapatan din ito ng tekstong “Hala totoo pala!!😱” at nilagyan ng caption na “Ano ba talaga 🤔🤔.”
Hindi isinama ng mapanlinlang na bidyo ang unang bahagi ng ulat ni Ong. Sa orihinal na bidyo, ang buong sinabi ni Ong ay: “Malacañang, meanwhile, refuting social media posts claiming First Lady Liza Araneta Marcos has been detained in Los Angeles in the US.”
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.