Hindi totoong sinabi ni Vice President Leni Robredo na magkakagulo kapag hindi siya nanalo sa darating na halalan, taliwas sa mga kumakalat sa Tiktok at YouTube.
“She never said this,” pahayag ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez sa ABS-CBN Fact Check Team.
Wala ring anumang record na nakita ang ABS-CBN News na sinabi ito ni Robredo.
Taliwas ito sa mga kumakalat sa social media na isang video clip mula sa joint press conference noong Abril 17 ng mga kalaban ni Robredo sa pagka-pangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales kung saan ipinrisinta nila ang mga sarili bilang opsyon sa darating na Halalan.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.