Walang katotohanan ang paratang na hindi iniulat ng media ang pagsama ng mga tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang motorcade sa Nueva Ecija sa kabila ng malakas na ulan noong Marso 15.
Sa katunayan, lumabas ang ulat ukol sa motorcode hindi lamang sa ABS-CBN, kundi sa iba pang media outlets sa TV at online.
Sa video na in-upload ng YouTube channel na Showbiz Fanaticz noong Marso 16, ipinakita ang campaign motorcade ni Marcos at isinalaysay ang matinding suporta ng mga dumalo dito kahit umuulan.
“Kahit na nilalamig na ang iba at basang-basa na sa ulan ay hindi pa rin nila naiwan ang presidential aspirant na si Bongbong Marcos na pinagkaguluhan sa nasabing lugar,” ayon sa salaysay sa video.
Ang video na mayroon na ngayong 22,500 views, ay nilapatan ng titulong: “ITO ANG HINDI INILALABAS ng MEDIA: Kahit UMULAN, Taga NUEVA ECIJA HINDI INIWAN si MACOS (sic)| BBM NAIYAK!”
Subalit taliwas sa titulo ng video na ito, naglabas ang ABS-CBN ng mga ulat tungkol sa motorcade kung saan inilarawan din na inulan ito.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.