FALSE

Sa isang panayam, sinabi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi ito involved sa mga troll farm. “There are no trolls. We have no trolls. None. Not a single one. I have been offered a click army, I’ve been offered a troll. I did not use it.” Ito ay hindi totoo. Maraming pag-aaral, pagsisiyasat, at testimonyang nagpapatunay na may kinalaman ang mga Marcos sa pag-operate ng mga troll farm.

Ano ang isang troll farm?
Ang troll farm ay isang organisasyon na binuo upang magsagawa ng disinformation propaganda activities sa internet gamit ang fake news at hate speech. Ginagawa ang trolling sa pamamagitan ng paglikha ng maraming pekeng social media accounts na nagkukunwaring mga totoong tao.

Mass-produced na pages, groups, at accounts

Noong 2018, naitalang higit sa 100 Facebook groups at pages na may higit sa 6,000,000 followers ang nakaugnay kay Marcos. Ang groups at pages na ito ay naibalitang nagkakalat ng misinformation hinggil sa mga Marcos, Martial Law, kanilang educational attainment, at mga nakaw na yaman ng mga ito. Nadagdagan pa ito pagdating ng 2019, kung saan may naitalang 640 Marcos-linked groups at pages. Ayon sa Sharktank database, ang mga groups at pages na ito ay halos magkakasabay na na-activate.

Noong Enero 2022 naman, higit sa 300 Marcos-linked Twitter accounts ang sinuspinde ng social media platform na Twitter. Ang mga account na ito ay nabistong nag-violate ng community standards ng Twitter sa pamamagitan ng platform manipulation at spam. Kinategorisa ang mga ito ng Twitter bilang “inauthentic behavior” o mga kahina-hinalang aksyon na tila ay ‘di galing sa totoong tao.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.