FALSE

Ayon sa isang Facebook post, wala raw dokumentadong ebidensya ang PCGG sa mga yaman na kinamkam umano ng pamilyang Marcos. Ito ay hindi totoo. Maraming naitalang datos ang PCGG sa bilyon-bilyong halaga ng nakaw na kayamanan ng mga Marcos na pinagtibay rin ng mga nakalap na pruweba sa kanilang Swiss bank accounts. Ilan sa mga ito ay na-recover at naipamahagi na ng pamahalaan bilang reparasyon sa mga biktima ng Martial Law.

Sabi ng nag-post, “In the last 36 years, the media and politicians conditioned us to think that when we see and hear “Swiss banks”, we AUTOMATICALLY JUMP INTO A CONCLUSION that the Marcoses are thieves and plundered the treasury. … The fact is, there is NO single documentary evidence that can prove the Marcoses stole  from the people. There is also no witness that could attest how they stole from the people.”

Salungat sa sinasabi ng post, may mga katibayan sa annual reports ng PCGG hinggil sa ‘plundered wealth’ ng pamilyang Marcos na ilang beses na ring pinagtibay ng Korte Suprema. Mababasa sa ibaba ang ilan sa mga nakalap na dokumentadong ebidensya ng PCGG, gobyerno ng Pilipinas, at gobyerno ng Switzerland.

Itinatag ang PCGG upang ma-recover ang nakaw na yaman

Noong 1986, nilikha ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) alinsunod sa tungkulin na i-recover ang ill-gotten wealth ni Former President Ferdinand E. Marcos. Base sa reports na inilahad ng PCGG, paunti-unti nilang nire-recover ang perang ninakaw ng mga Marcos galing sa kanilang Swiss bank accounts [1].

P174-Bilyon, na-recover; P125-Bilyon ‘under litigation’ 

Ayon sa huling tala noong 2020, ang komisyon ay naka-recover na ng mahigit P174-B sa loob ng 34 taon o mula sa pagkakatatag nito noong 1986 [1]. Ito ay maliit na porsyento lamang sa tinatayang P530-B na ninakaw ng pamilyang Marcos at ng cronies nito, ayon sa PCGG [2]. P125-B pa ang puwedeng makalap ng gobyerno mula sa ‘ill-gotten wealth’, ayon kay PCGG Commissioner John Agbayani [3].

Higit $800-Milyon, itinago ng mga Marcos sa Switzerland

Taong 1986 nang matagpuan ng PCGG ang itinagong $800-M ng mga Marcos sa Switzerland. Ilan lang ito sa mga perang inilagay sa Swiss Banks upang maprotektahan mula sa imbestigasyon ng gobyerno ng Pilipinas [4]. Noong 1995 naman ay inaprubahan ng Switzerland ang pagbabalik sa Pilipinas ng $356-M mula sa mga ito [5].

Read the full story on e-Boto.

Related Fact-Checks:

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.