Ilang report tungkol sa pangangampanya sa Cavite ni dating senador at ngayo’y kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lumabas sa iba’t ibang news platforms ng ABS-CBN noong Pebrero 11 at 12, taliwas sa paratang ng post sa Facebook page na “Blessed Be Philippines.”
Dalawang araw na sinundan ng ABS-CBN News Team ang caravan ni Marcos sa Cavite.
Pero sa post ng “Blessed Be Philippines” makikita ang mga larawan ng nasabing kampanya ni Marcos na nilapatan ng teksto na “Panloloko ng abscbn halatang-halata. Bongbong Marcos dinumog ng mga tao sa Cavite. Pero sa report ng abscbn, wala daw aktibidad si BBM ngayong araw.”
Hindi ito totoo.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.