Misleading

Pinutol ang interview ni First Lady Liza Marcos sa isang YouTube program para pagmukhaing sinabi diumano niya na kaya niyang ipapatay si Bise Presidente Sara Duterte anumang oras.

Ini-upload ang video sa Tiktok at X (dating Twitter) at nilagyan ng tekstong: “Katotohanang si Lisa Marcos mismo nauna magsabi na anytime kaya nyang ipa assasin si VP SARA.”

Maririnig sa clip na sinasabi ng first lady na: “If you’re the President of the Philippines and I’m the ‘fierce’ lady, fierce ha, sa palagay mo ba hindi ko kayang gawin ‘yan? Ay Diyos ko, tawagin mo lang yung *unintelligible* dyan kayang-kaya.”

Kinuha ang clip mula sa Abril 19, 2024 episode ng show ni Anthony “Tunying” Taberna na Tune In Kay Tunying sa YouTube mula 39:48 – 39:59. Pinutol ang parte ng video na ito para magmukhang nagsasalita si Marcos tungkol sa pagpapapatay kay Duterte.

Pero sa bahaging ito ng panayam, pinag-usapan nina Marcos at Taberna ang diumano’y “concerted effort” ng mga vloggers na tagasuporta ng mga Duterte para sirain ang pangalan niya at ng pangulo. Nabanggit ang mga vloggers na sina Sass Rogando Sasot, RJ Nieto, at Maharlika Boldyakera.

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com