Manipulado ang video kung saan pinagmukhang nagsasayaw si presidential candidate Leni Robredo sa saliw ng awit na “Dayang Daya” ni Yoyoy Villame.
Makikitang kasama ng Bise Presidente sa pinekeng video ang ilang katutubong Mangyan sa isang campaign rally sa San Jose, Occidental Mindoro noong Abril 6.
Ini-upload ng Facebook page na “Federal Philippines” ang 38-segundong video na may caption na, “Sumayaw si Leni ng Daya-daya madaraya. Wala naman sanang dayaan.”
Mapapansin na paulit-ulit lamang ang video at pinatungan ng ibang tugtog upang magmukhang sumasayaw si Robredo sa himig ng “Dayang Daya.”
Pero kung papanoorin ang orihinal na video na ini-upload ng Facebook page na “Dapat si Leni” noong Abril 6, maririnig na ang ginamit na tugtog ay isa sa mga campaign jingle ni Robredo na “Kay Leni Tayo.”
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.