Hindi totoong dinaya ni Leni Robredo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagka-bise presidente noong Halalan 2016.
Taliwas ito sa mga kumakalat sa social media, gaya na lamang ng isang video na inupload ng YouTube channel na Filipino Future na may pamagat na “Leni, Natatakot na Mabuking ang Pandaraya kay BBM noong 2016, kaya Gusto Manalo sa pagka Pangulo”.
Ayon sa video, pekeng bise-presidente raw si Robredo at nanalo lamang daw siya dahil sa pandaraya.
Bukod sa mga pahayag na ito, ipinakita rin ang mga pinagtagpi-tagping bidyo at larawan noong nagsampa ng electoral protest si Marcos laban kay Robredo.
Ngunit ang electoral protest na inihain ni Marcos laban kay Leni ay na-dismiss na noong Pebrero 16, 2021. Ayon sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema, bigo si Marcos na magbigay ng mga patunay sa kanyang mga alegasyon ng pandaraya laban kay Robredo.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.
Related fact check
- 2016 Vice presidency was not ‘stolen’ from Marcos
- Pinanalo raw ng noo’y Comelec Chief na si Andres Bautista si VP Leni Robredo noong 2016 elections
- Dinaya ba ni VP Leni Robredo si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa eleksyon noong 2016?
- Ebidensiya ni Bongbong Marcos ng pandaraya noong 2016 elections, hinarang?
- Totoo o hindi? Dinaya raw ni Leni Robredo ang 2016 Vice-Presidential elections?