Hindi totoo ang kumakalat sa Tiktok at Facebook na video umano ng proclamation rally ni Vice President Leni Robredo kung saan maririnig ang chant na “BBM! BBM!” habang nasa entablado si Robredo at ang re-electionist na si Senator Richard Gordon.
Sa video sinabihan ni Robredo ang mga tao ng “Awat na. Wag kayong magpasaway” na tila sinasagot ang chant.
Sa recording ng live video ng proclamation rally, maririnig na ang sigaw ng mga tao ay “Ipasok si Dick!” matapos ipakilala si Gordon at ito ang sinagot ni Robredo ng “Awat na. Wag kayong magpasaway.”
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.