Taliwas sa kumakalat na post, hindi nakapagtrabaho si Vice President Leni Robredo sa lahat ng sangay ng pamahalaan, mula Executive, Legislative hanggang Judiciary.
Ayon sa isang Twitter post, si Robredo ang natatanging presidential candidate na nakapagtrabaho sa tatlong sangay ng gobyerno: sa Executive, bilang Vice President; sa Legislative, bilang Camarines Sur 3rd District Representative; at sa Judiciary, bilang abogado sa ilalim ng Public Attorney’s Office (PAO).
Bagama’t tamang nagtrabaho si Robredo sa Executive at Legislative branches, ang PAO kung saan siya nagsilbing abogado ay hindi sakop ng Hudikatura.
Ang PAO ay isang opisinang nakakabit sa Department of Justice na sakop ng executive branch. Ang sakop ng Judiciary ay ang Supreme Court at lower courts.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.