FALSE

Hindi totoong tinanggal sa Senado si Senador Raffy Tulfo dahil umano sa “usaping legal” na kinaharap nito bago pa man maupo sa posisyon.

Galing ang maling impormasyon sa kumakalat na video sa YouTube at Tiktok kung saan sinabing pinatalsik ng Senado si Tulfo matapos maglabas ang Korte Suprema ng desisyon na nagsasabing wala na umanong bisa ang mandato ng senador.

Pinamagatan ang YouTube video ng “NAKAKAGIMBAL!! RAFFY TULFO NATAMEME SA UTOS NG KORTE SUPREMA!! SENADO LIGWAK NA!” habang nilapatan naman ang Facebook video ng tekstong “TANGGAL sa senado RAFFY TULFO KARMA.”

Taliwas sa sinasabi sa mga post, noong Abril 2024 ay pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang kasong nagpapa-disqualify kay Tulfo sa pagka-senador.

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com