Hindi totoo ang kumakalat na Facebook meme kung saan sinabi raw ni Vice President Leni Robredo na ang solusyon sa trapik ay mas maraming pribadong sasakyan.
Ayon sa post, ito ang sinagot ni Robredo sa tanong ukol sa problema sa bumper-to-bumper na trapiko: “Sa tingin ko mas importante na lahat ng tao mayroong sasakyan para mas mabilis ang pagbiyahe.”
Sinabi niya umano ito noong CNN PH Presidential Debate na ginanap noong Pebrero 27.
Subalit batay sa recording ng debate, ang totoong sagot ni Robredo ay: “Kapag tiningnan kasi natin ‘yung datos, kakaunting percentage lang ng tao ‘yung may sasakyan. Karamihan sa mga tao walang sasakyan at nakikibaka araw-araw sa mass transportation. Kailangan ‘yung gobyerno magbuhos ng maraming pera para sa active transport, para siguraduhin na ‘yung mga kababayan natin meron nasasakyan sa mababang halaga, para nakakapunta sila sa kanilang trabaho, nakakauwi sila sa kanilang mga pamilya.”
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.