Isinaad ni Francisco “Kiko” Pangilinan sa kaniyang speech noong Leni-Kiko Rally sa Zamboanga (March 18, 2022) na hindi raw dapat makalimutan ang Jabidah Massacre. Ayon sa kaniya, “the killing of our Moro brothers in the Jabidah Massacre during the Marcos regime is a tragic part of our national narrative that we must never forget…”
Ngunit sinalungat ito ni Rigoberto Tiglao na ang Jabidah Massacre ang kauna-unahang fake news ng mga “Dilawan”. Binanggit niya sa kaniyang The Manila Times column, “…demolishing completely this for-propaganda myth of the “Jabidah Massacre,” which fantasy-weavers claim occurred on March 18, 1968 but which never happened. I have written over eight columns to prove, without a shadow of a doubt, that the Jabidah massacre was a hoax, and nobody, not even the Moro National Liberation Front (MNLF) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF), have questioned my assertions.”
Maraming ebidensya ang nagsasabi na ito ay isang totoong pangyayari kung saan ang mga sundalong Moro ay pinatay noong March 18, 1968. Ang mga recruit sa special commando unit na ito na kinilala bilang “Jabidah” ay sumali sa Philippine Army sa ilalim ng operasyon na pinamagatang “Oplan Merdeka”, kung saan ang tunay na layunin ay sakupin at ibalik sa pamamahala ng Pilipinas ang Sabah, Malaysia sa utos ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos.
Ayon sa mga datos mula sa Official Gazette ng Gobyerno ng Pilipinas, ang rason sa pag-massacre sa mahigit na 10 hanggang 68 na Morong sundalo ay dahil naglabas ang mga ito ng kanilang hinaing sa pamamagitan ng pagsusulat ng petition sa Malacañang tungkol sa stipend na hindi pa nila natatanggap. Kasama rin sa petisyon na ito ang malalang kondisyon ng pagkain at pabahay sa kanilang kampo.
Taliwas sa pahayag ni Tiglao na hindi kinuwestyon ng MNLF ang pagtanggi sa Jabidah massacre, sa ika-51 anibersaryo ng MNLF noong 2019 ay kanilang iginunita na ang Jabidah Massacre ang nagbunga sa pagkakatatag sa Moro National Liberation Front.
Read the full story on e-Boto.