Matindi ang labanan ngayong eleksyon. Lahat ng klase ng kwentong barbero at disimpormasyon, mabilis ang pagkalat at walang pinipiling biktima. Basta kapag ‘di ka matyagang kumilatis, mabubudol ka.
Pero papayag ba kaming mabudol ka na lang basta-basta? Samahan natin ang veteran broadcast journalist na si Cheche Lazaro sa pag-papaalala ng kahalagahan ng totoo at paano maging mas mapanuring Pilipino…lalo na sa paparating na eleksyon!
Kung seryoso ka sa boto mo, maging mas mapanuri—huwag basta magtiwala sa unang makita o marinig. Tandaan: ang mga impormasyon na pinapaniwalaan mo at ibinabahagi mo, dapat #YungTotooLang.