Ginagamit na ang terminong red-tagging bago pa man nabuo ang Communist Party of the Philippines noong 1968.
Mula ito sa McCarthyism o “Red Scare” ng U.S. noong Cold War kung saan walang habas na inaakusahan ang sinumang pinaghihinalaang komunista nang walang sapat na basehan at sa hindi makatarungang pamamaraan.
Ang red-tagging o red-baiting ay isang delikadong gawain. Binibigyang katwiran nito ang pananakot, pagkulong, o pagpaslang ng mga awtoridad sa mga kritiko, miyembro ng progresibong grupo, at maski ang mga nakikilahok sa mga aktibidad na saklaw ng Article III ng 1987 Constitution (Bill of Rights).
Read the full story on UP sa Halalan 2022.
Related Fact Check:
Totoo o Hindi? Gawa-gawang termino lamang ang “red-tagging”?