Misleading

Isinaad sa isang Facebook post na imposibleng naglakad on foot at umabot sa 4,000 km ang nilakbay ng Sumilao farmers sa kanilang walk-caravan para sa Leni-Kiko tandem. Ang tinutukoy ng netizen na ito ay ang Facebook post ng Inquirer.net noong Abril 28 na nagsasabing ang mga magsasaka ay naglakbay ng 4,000 km on foot sa loob ng 40 na araw. Noong April 30, naglabas ng update ang Inquirer upang klaruhin na ang Sumilao farmers ay naglakbay lamang mula Bukidnon hanggang Manila.

Ito ay misleading dahil ayon sa Facebook page mismo ng Sumilao farmers, ang kanilang caravan na pinamagatang Lakad ng mga Pamilyang Magsasaka Laban sa Gutom at Kahirapan ay hindi lamang paglalakad on foot galing Sumilao, Bukidnon hanggang Metro Manila ngunit kasama na rin dito ang iba’t ibang mode of transportasyon katulad ng barko at kotse. Ayon sa mga magsasaka, ang buong walk-caravan na ito ay umabot ng halos 3,895 na kilometro.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Check:

Netizens post misleading Google Maps route of Sumilao farmers’ caravan

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.