Ayon sa isang Youtube video, iniwan daw ni outgoing Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang supporters sa kalsada para magbakasyon sa Amerika. Ito ay isang Youtube clickbait title, ito ay misleading. Si Leni, kasama ang kanyang mga anak ay bumiyahe ng Amerika para idiwang ang NYU graduation ng anak niyang si Jillian. Wala ring isinaad na ebidensya ang netizen sa sinabi nitong mga taong naiwan sa kalsada dahil kay Leni.
Ang mga clickbait at fake news ay laganap na tinarget ang mga Robredo noong panahon ng eleksyon katulad ng alleged na maselang video raw ng kanyang anak na si Aika, ang pagbastos umano ni Jillian sa mga taga-Baguio, at ang pagdala ni Tricia ng Omicron variant sa bansa. Lahat ng mga ito ay makikitang walang katotohanan at na-fact check na ng ibang fact-checking organizations. Kahit lumipas na ang campaign period, makikita pa rin na ang mga Robredo ay patulo na nagiging biktima ng disinformation at fake news.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.