Walang binanggit si Kris Aquino tungkol sa umano’y utang loob ng mga Pilipino sa kaniyang ama, sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan noong nakaraang linggo.
Taliwas ito sa Facebook post ni “JUAN as ONE” kung saan makikita ang larawan ni Aquino habang nagsasalita sa “PUSO: Tarlac Grand People’s Rally” noong Marso 23. Nilagyan ito ng caption na “UTANG NIYO SA AKING AMA ANG KALAYAANG TINATAMASA NINYO NGAYON.”
Matatandaang surpresang nagpunta si Aquino sa rally sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.