Ayon sa isang Tweet, kinurakot daw ni VP Leni Robredo ang Yolanda funds at hinayaang mabulok ang relief goods, dahilan upang hindi siya iboto ng mga taga-Samar at Leyte. Hindi ito totoo.
Ayon mismo sa COA Report, may mga iregularidad sa proseso ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan noong kasagsagan ng Yolanda. Bukod dito, ang mga hindi nagamit na pondo ay naibalik na rin sa National Treasury ayon sa NEDA. Wala ring dokumento na may kinalaman si Robredo sa pagkabulok ng relief goods na noo’y pinangasiwaan ng DSWD.
Sabi ng nag-post, “Samar and Leyte will never vote for Leni, bilang ganti sa pangungurakot nila sa Yolanda Funds at hindi pagbigay ng mga relief goods na hinintay na mabulok sa warehouse. Never Again, Never Forget.”
Ngunit taliwas sa pahayag na ito, hindi nabanggit si Robredo sa anomang report ukol sa Yolanda funds. Ayon mismo sa COA Yolanda Report noong 2020[1], may mga iregularidad at pagkukulang ang mga ahensya ng DSWD, DPWH, DOH, OCD, DILG, at NFA sa pamamahala ng pondo, imprastraktura, at serbisyo noong kasagsagan ng Yolanda. May kakulangan sa kasanayan sa pagtugon sa mga sakuna ang mga ahensya dahilan upang maging mabagal ang mga proseso.
Read the full story on e-Boto.